|
Post by dnx90 on Jun 7, 2008 9:20:08 GMT 8
Guys just a silly question.... I want to bike to work kaso I can't find a place to shower in the Tower 1 (Ayala/Paseo de Roxas area) any suggestions where I can clean up before going to work? Hard to wear my jersey when I meet with clients.
|
|
|
Post by seacid on Jun 11, 2008 8:05:15 GMT 8
Try talking to the guards at the underground parking of Tower 1, this is where you can also park your bike, i was able to take a shower at their bathroom a couple of times. Just ask politely and be charming. That usually works for me. The other options would be the Makati sports club or one of the firness first or gold's gym branches in Makati.
|
|
|
Post by dziyakerxs on Jun 10, 2016 10:43:03 GMT 8
Hi,
Sorry to bring this thread back to life... I've been looking for a "comprehensive" list of bike parking places in and around Makati CBD, ito lang ang pinakamaganda, pero medyo out of date na.
I've just joined the community. I don't even have a bike yet :-). Kakabili ko lang helmet kahapon.
Any updates from anyone? I plan on biking to work from Cainta, and from my recon walks and na-confirm ko lang ay yung sa steel parking beside Rustans, lahat ng sa Glorietta, at yung sa Ayala Triangle.
Thanks and more success to this site and community, Carlo Pasaol
|
|
|
Post by anthrax76 on Jun 10, 2016 14:22:49 GMT 8
So far yan pa rin yun, he he. Other than what you see within Ayala malls, that's pretty much it. Nung dati nakipag usap lang ako sa building guard namin para makapag park ako sa loob ng building namin.
Not much has changed with regards to bike parking, he he.
|
|
|
Post by dziyakerxs on Jun 21, 2016 19:19:59 GMT 8
Ayun... Took me two weeks to get this list together... Just want to share. :-)
Ayala Triangle (bike racks freely available) - Park at your own risk. Entrances close at 2300H (minsan earlier). Mahirap mainstorbo ng guard para kunin yung bike.
Ayala Triangle Gabriela Silang Parking Space - Bike Rack present near the pedestrian entrance/exit corridor. Park at your own risk, pero ito yata pinaka-risky. Medyo condescending yung tono ni kuya guard kausap. Yung "kayo sir, ok lang pero dehins na namin sagot pag nawala bike niyo" tono niya eh parang siya yung kukuha ng bike. May threat eh. Haha! Glorietta
Glorietta, Greenbelt, Rustans - All previously shared bike parking spaces still valid. Pero ayun, wala na daw sa Park Square (bago na kasi yung building). Pero baka "daw" lagyan ulit. Medyo mainit ulo ni kuya guard nung kausap ko.
ALL Parking Spaces in and around Valero Street - PWEDE! Problema dito pag nagsara yung parking space, sorry na lang daw. Hehe. Sa opening na makukuha yung bike. At syempre, dehins lahat ng parking eh may poste na pwedeng pagtalian ng lock. Ang pinakasafe eh yung dit sa Valero Service Road na parking space. Likod ng PBCom, Tower 6789, etc. May mga poste na pwedeng pagtalian, yung poste ng mga parking space na may bubong. Pero medyo limited yung mga poste. Haha! Apat lang yung bilang ko na safe na dehins makadali ng tsikot, kung saan nagpapark yung mga motor.
LAHAT NG POSTE SA Valero Street - Pwede din! Malaking risk nga lang talaga ito. At yung dalawang Ate Guard na nakausap ko (magkahiwalay na araw) ay nagbanta na yung mga MACEA ay baka magdala ng bolt cutter at kunin yung bike. Ito ang dehins ko pa nacoconfirm dahil wala pa kong natstsambahan na MACEA dude.
At iyon, higit sa lahat, ay kausapin yung mga Guard ng Building. Malas ko lang at dito ako sa Tower 6789. Medyo bago pa yung building kaya pa-sosyal pa sila. Ayaw ipapasok yung bike, ayaw din nila magpa-pasok kahit folding bike, kahit ok lang sa office namin, sila naman ayaw. Kahit bitbitin ko yung bike at dehins pasayarin sa tiles nilang akala nilang gawa sa ivory eh ayaw pa din. Ito ang nilalabanan ko ngayon. Hehe.
Mag-u-update na lang ako dito pag may mga developments pa ko. Tuloy tuloy pa din ang quest ko dito sa Makati na maghagilap ng bike parking.
|
|
|
Post by anthrax76 on Jun 22, 2016 9:35:41 GMT 8
good work on putting the list together!! btw brad, ingat lang sa paglock sa poste lalo sa makati. dati may kapadyak tayo na nakuhanan ng bike ng MACEA dyan. tama yung nagsabi sa 'yo, bolt cutter ang ginamit, kesyo bawal daw mag park ang bike (kahit walang sign). dehins ko na maalala kung bike messenger yung nabiktima. dehins ko na alam kung ano nangyari pagkatapos nun kung nabawi pa ba yung bike.
regarding buildings, itanong mo lang sa guard kung sino pwedeng kausapin sa building admin. huwag yung guard ang kausapin mo, 99% of the time ang isasagot ay "yun po kasi utos sa amin", kahit na wala namang sinabi at ayaw niyang ma-hassle. teka, let me rephrase that, magtanong sa security guard kung saan pwede mag park. kung wala or napag-utusan yung guard, escalate mo sa building admin, sila naman yung kausapin mo. kapag wala pa rin, subukan mo sa office admin nyo kung pwede kausapin ang building admin.
nung nasa net2 pa ako (although BGC ito ha), yung office namin nagtalaga ng isang parking slot na pang tsikot para exclusive use ng naka 2 wheels. 3 kaming bike commuters at isang nakamotor na gumagamit. dehins kami sinisita ng guard basta ipakita namin ang ID namin. pero yung ibang gusto magpark, hinaharang.
|
|
|
Post by dziyakerxs on Jun 22, 2016 17:49:57 GMT 8
ba akalain mong speaking out of a previous experience pala yung dalawang ate guard na nakausap ko... haha! kawawa naman yung kapadyak natin at bad trip yung ginawa ng MACEA na yun... oh well. minority pa lang kasi tayo... someday......
anyway, nakausap ko na din yung building admin. well napagpasa-pasahan din ako ng iba't-ibang supervisor nila at finally may sumagot na dehins daw talaga pwede sa parking ng building. at yun din nakipagnegotiate ako na since yung parking ng office namin at tiempong magkaharap, baka pwede ako dun sa gitna nung dalawang parking slot na yun. at ano pa nga ba ang sagot nila (i'm beginning to think na kung sino kakausapin ko sila yung kukuha ng bike)? edi "kayo sir, basta pag nawala bike niyo wala kaming pananagutan diyan". ok na sanang i-risk ko pero nung sinilip ko yung parking space eh wala ngang pagtatalian. so pwedeng-pwede nga bitbitin at ipasok sa L300 ng security agency ng building. poof! gone without a trace.
pati yung policy nila sa folding bikes eh stupid talaga. sabi ko nga dehins ko naman papasayarin yung gulong ng bike sa mala-ivory nilang tiles sa lobby. dehins daw talaga pwede. well wala pa naman ako folding bike, pero yun ang next kong project. sa airlines nga counted as luggage yun eh basta nakatupi at nakalagay sa bag (kaya Giant Expressway 2 ang ok para sa akin) dehins as "Sports Equipment" na may separate charge. kung dumating ang araw na yun ang gamit ko pamasok eh patigasan na lang ng mukha. hahahahaha!
mukhang sa Glorietta na lang talaga ako magppark. at least dehins mauulanan yung investment ko at relatively safer, at walang threat yung mga guards na "... baka mawala (err, baka kuhanin ko) yan sir". :-D
|
|
|
Post by anthrax76 on Jun 22, 2016 18:06:39 GMT 8
wala tayong magagawa, policy nila yun eh. we're pretty much renting a place in their investment, so they make the rules. kahit naman maging majority tayo, i don't think magpapalit ng mentality. anyway, just lock your bike in a safe place, iwasan ang quick release stuff kung maaari. i only have quick release on my wheelset, not the seatpost.
|
|
|
Post by dziyakerxs on Jun 23, 2016 20:28:23 GMT 8
|
|
|
Post by anthrax76 on Oct 16, 2017 9:57:38 GMT 8
Necroing.
Ayala triangle parking sucks. Guard said pang messenger lang daw nila. I had to park in greenbelt 5, pero mag iiwan ng ID. Then again, covered naman.
|
|