|
Post by polpan on Jan 5, 2005 17:29:38 GMT 8
may mga bundok na ba kayong naakyat na tipong pwedeng i-ride kahit di na umabot sa summit... anybody tried it? we're planning to climb mt. manabu kung kakayanin till summit sana and besides maluwag ang summit ng manabu he he he he... then ride pababa kung kaya.... or the trail of mt. romelo going to buruwisan falls, medyo gradual ang inclination kaya i think pwede sya.... and mt. natib in bataan din... any suggestion guys..
|
|
|
Post by warlock^_^ on Jan 5, 2005 17:34:38 GMT 8
polpan,
Batulao is rideable, I guess Mt. Ugu, and Pulag din ata.
Ang Mt. Tapulao din pala, accessible sa mga 4x4 yun.
|
|
|
Post by polpan on Jan 5, 2005 17:42:44 GMT 8
polpan, Batulao is rideable, I guess Mt. Ugu, and Pulag din ata. Ang Mt. Tapulao din pala, accessible sa mga 4x4 yun. di ako nakasama last dec sa mt ugu... sayang at na-scout ko sana kung kung pwede... hardcore na DHers pwede sa rockies ng mt. makulot ha ha ha ha
|
|
|
Post by Freeman on Jan 5, 2005 17:53:12 GMT 8
Sir polpan, mountaineer din ako, na try na namin i bike yung romelo hanggang buruwisan, kaya i padyak yun wag lang uulan.., were planning to bike the summit of Pulag, also try high peak in zambales, medyo mahaba nga lang 2lakan yun, ganda downhill. if ever me bhike kayo post ka naman sir baka sakali makasama
|
|
|
Post by polpan on Jan 6, 2005 8:17:17 GMT 8
Sir polpan, mountaineer din ako, na try na namin i bike yung romelo hanggang buruwisan, kaya i padyak yun wag lang uulan.., were planning to bike the summit of Pulag, also try high peak in zambales, medyo mahaba nga lang 2lakan yun, ganda downhill. if ever me bhike kayo post ka naman sir baka sakali makasama summit of pulag? asteeeg.... highest peak in luzon... kelan ang plano nyo para i'll try to chk my schedule din? about the buruisan falls... ilan oras form the trail head going to the falls kahit hanggang campsite lang..
|
|
|
Post by Freeman on Jan 6, 2005 12:55:44 GMT 8
took us 2-3 hrs ata, di ko ksi na check dahil sa excited maligo ;D yung pulag, ang plano is this feb., pero kailangan pa namin ma secure yung permits medyo mahigpit ksi sila ngayun. if ever you'll hit the buruwisan trails, post nyo sked para maka sabay
|
|
elai
XC Rider
Posts: 120
|
Post by elai on Jan 6, 2005 13:01:48 GMT 8
yung pulag, ang plano is this feb., pero kailangan pa namin ma secure yung permits medyo mahigpit ksi sila ngayun. Pwede ba sa Pulag? Anong trail? Ambangeg-ambangeg? Nyikes...baka managa sila sa fees... baka magkaron na ng biking fees, huh? Ayaw nyo Ugo?
|
|
|
Post by Freeman on Jan 6, 2005 13:07:46 GMT 8
Pwede ba sa Pulag? Anong trail? Ambangeg-ambangeg? Nyikes...baka managa sila sa fees... baka magkaron na ng biking fees, huh? Ayaw nyo Ugo? na try n namin last 2002, ambanguig trail downhill to kabayan nlang, pinigilan ksi kami ng mga rangers sa station na mag bike sa summit or grassland, secure daw muna permits, same fee's applied din daw yun, required pa guide, di pa namin na try ugo.., maybe kabayan to bulalacao lake pag naka sched
|
|
|
Post by dirtrat on Jan 6, 2005 13:19:54 GMT 8
bEEN TO BATULAO LAST DEC 29 nakaka dalawang endo na ako don hahaha manabo peak dehins pwede i ride push langng push don Mt. Malasimbo and talipanan in Mindoro Pwede but not hanggang Peak sa shoulder lang Talipanan pwede sa downhill pero mag tutulag sa upper portion before the tower Mt. Talamitam in batangas pwede rin via brgy kay rilaw to avoid the pushing sarap downhill don.
|
|
|
Post by dirtrat on Jan 6, 2005 13:28:03 GMT 8
Alam ko di pwede sa grassland ng pulag kita nyo naman yon iniwan na scar ng mga nag motocross goin to the summit diba ...pero pwede kayo liko sa kanan after the mossyforest goin to tawangan .....or from ambangeg goin to ambulalakaw lake (dehins ito yon ambuklaw ha ) kung expidition type naman pwede yon baguio to ambuklao to mt.tabayoc yon second highest sa luzon me lake sa itaas ..... pero goin to ambangeg from baguio is one epic ride na diba ?? pag bitin pa try goin to akiki sa kabayan proper
|
|
|
Post by Freeman on Jan 6, 2005 13:58:23 GMT 8
pwede daw non-motorized vehicles sa grassland, pero with proper permits and fees, regarding tawagan trail, medyo ayaw ata ngayun magpapasok ng mga kapatid nating kakan-ey dun lalo na bikes... sabi lang sa amin baka mapugutan tayo dun hehehe parang ang hirap i bike ng tabayoc sobra rugged ng terrain nun
|
|
|
Post by polpan on Jan 10, 2005 17:04:43 GMT 8
ask ko lang.. do all mountaneers here still active in that sport? well in my case, very rare na akong umakyat, medyo hirap na rin bumuhat and conflicts na rin sa mga schedules at syempre mas masarap ang nakasakay kaysa maglakad he he he he.....
|
|
|
Post by Freeman on Jan 10, 2005 22:29:51 GMT 8
pareho tayo sir, tagal ko na di umaakyat..., pero nag bo- bouldering, at rock climbing pa rin paminsan minsan, na addict na sa pag padyak eh ;D
|
|
|
Post by dirtrat on Jan 11, 2005 8:46:22 GMT 8
oo naman sir first love ko yan pag akyat eh wala na nga lang makasama sa climb ngayon puro busy na ang club members eh last climb ko mt.malasimbo sa mindoro november 1 ..bat kaya di tayo mag sched ng climb pero dala pa rin bike para sa pag baba marami naman bundok na bikeable eh
|
|
|
Post by polpan on Jan 11, 2005 11:53:02 GMT 8
oo naman sir first love ko yan pag akyat eh wala na nga lang makasama sa climb ngayon puro busy na ang club members eh last climb ko mt.malasimbo sa mindoro november 1 ..bat kaya di tayo mag sched ng climb pero dala pa rin bike para sa pag baba marami naman bundok na bikeable eh pwede tayong mag sched kaso ang problem namin talaga is the transpo for our bikes kaya medyo hirap din sa plan... kung may ma-rent sanang sasakayn then hati-hati na lang sa babayaran ok sana...
|
|
|
Post by dirtrat on Jan 11, 2005 13:19:01 GMT 8
hati hati na lang sa expenses mas maganda kasi yon bike and camp na rin
|
|
|
Post by polpan on Jan 11, 2005 13:41:22 GMT 8
we did that twice in dunsulan falls, hat-hati kami sa gamit sa pack namin (stoves, tent, etc) kaya ang bigat nang nasa likod namin medyo di stable ang bike tapos patayan pa pag uphill na... then sa second attempt, 2 sa amin ang nag-trek para sa mga equipments the others nag-bike na he he he symepre naka-bike ako! madali magplan kung di problema ang transpo....
|
|
|
Post by Freeman on Jan 11, 2005 19:57:16 GMT 8
uyy... maganda yang niluluto nyo ah, san ba ang itinerary natin? ;D
|
|
|
Post by skarhed on Jan 21, 2005 0:55:48 GMT 8
Makulot! Sa Cuenca! ;D ;D
|
|
|
Post by polpan on Jan 21, 2005 11:20:48 GMT 8
Makulot! Sa Cuenca! ;D ;D plano rin namin yan... kaso kailangan talagang buhatin ang bike hanggang summit... yung nga lang di ka magkakpag-ride sa summit dahil siguradong napkaraming mountaineers dun... kaya nga nakakaawa na ang maculot...bugbog na rin ang trail... BTW... may mga kasamahan akong pupnunta sa "gulugod baboy", iheard yung iba raw ay papadyak, kaya ba ang bike dun... hanggang summit, di ko pa kase napupuntahan yun eh...
|
|
д£εЌ§
All-Mountain Rider
"what we ride is life"
Posts: 159
|
Post by д£εЌ§ on Jan 21, 2005 11:47:20 GMT 8
gandang ideya yan! sama ako kung may plano kayu!
|
|
|
Post by Freeman on Jan 21, 2005 11:53:00 GMT 8
better yet... batulao range or talamitam para rideable, ang dami nga lang nagkalat n baka
|
|
|
Post by skarhed on Jan 27, 2005 0:56:10 GMT 8
plano rin namin yan... kaso kailangan talagang buhatin ang bike hanggang summit... yung nga lang di ka magkakpag-ride sa summit dahil siguradong napkaraming mountaineers dun... kaya nga nakakaawa na ang maculot...bugbog na rin ang trail... BTW... may mga kasamahan akong pupnunta sa "gulugod baboy", iheard yung iba raw ay papadyak, kaya ba ang bike dun... hanggang summit, di ko pa kase napupuntahan yun eh... Oo nga... lasat time I went to Makulot, pwede na DH trail yung path Naalala ko noong umaakyat pa ako around 92 (hehehehe bistado tander cats na ako...) liit pa talaga yung trail... anyways, haven't been to galugod baboy? Seems interesting! Pero what I really want to do this year is BAAAAAAGUIOOOOO!!!!
|
|
|
Post by polpan on Jan 27, 2005 8:03:38 GMT 8
Oo nga... lasat time I went to Makulot, pwede na DH trail yung path Naalala ko noong umaakyat pa ako around 92 (hehehehe bistado tander cats na ako...) liit pa talaga yung trail... anyways, haven't been to galugod baboy? Seems interesting! Pero what I really want to do this year is BAAAAAAGUIOOOOO!!!! 1st climb ko sa maculot is year '94 pa medyo maliit pa nga ang trail then just last year when i went up there, ang laki na ng pinagbago nang trail... pwede nga sa mga hardcore DHers yung trail... pag sa baguio, dun tayo sa may radar...mt. data ata ang tawag nila... alis tayo dito ng friday night then dating sa baguio ng dawn tapos padyak na paakyat he he he he... wala ng tulog tulog.... then after nun hanap tayo ng may "menigococemia" para souvenir pauwi ng maynila....
|
|
|
Post by feline13 on Jan 27, 2005 10:21:30 GMT 8
1st climb ko sa maculot is year '94 pa medyo maliit pa nga ang trail then just last year when i went up there, ang laki na ng pinagbago nang trail... pwede nga sa mga hardcore DHers yung trail... first climb ko rin yung makulot.. last year lang. check out pix i took www.pbase.com/trekker13
|
|
|
Post by Freeman on Jan 27, 2005 10:42:04 GMT 8
94' din first climb ko sa maculot, si ka manuel palang ang tindahan nun', ngayun kahit di ka na magbaon pwede na, sa dami ng mabibilihan dun so where would it be? baguio o maculot?, maganda siguro dala ng tent para camping na rin ;D
|
|
|
Post by dirtrat on Jan 27, 2005 11:07:01 GMT 8
Wow dami pala tumandoks dito sa PinoyMTBiker ....nabinyagan kayo lahat sa mount maculot like ...me been there more than 30 times na siguro .... lakas pa rin ng apeal ng rockies kaso nga lang me 7-eleven na sa campsite tama yon sabi nyo kahit di ka na mag baon ng food and water .. www.geocities.com/raintreking
|
|
|
Post by polpan on Jan 27, 2005 13:53:00 GMT 8
1st climb ko dun way back '94, walang dalang tent so we have to bivuoac and cold season yun (january) at syempre di mawawala ang famous gin... not a memeber yet in any mountaineering org at that time... kung baga eh mga freelancer lang... swerte na nga ngayon ang mga first timer sa maculot dahil may mga tindahan na sa itaas kaya medyo nawawala tuloy dun ang essence of mountaneering... pero kung malakas talaga kayong lumaklak at bitin sa alcohol may mabibilan kayo.... may mga gumagamit pa ba ng earth pad, uso pa ba yun, yung goma sheet he he he he
|
|
|
Post by warlock^_^ on Jan 27, 2005 14:23:37 GMT 8
may mga gumagamit pa ba ng earth pad, uso pa ba yun, yung goma sheet he he he he Meron pa rin brad, marami pa rin ako nakikita gumagamit...bigat nga yun eh... sikat ngayon yung mga insulation (closed cell foam with aluminum backing), though flimsy pero pede pa rin. Yun insulation gamit ko liner ng backpack ko. 1st climb ko nga pala way back '96 sa japan ako Fuji agad....simula ng 12 mindnight up to early morning, pero nde kami umabot sa sunrise...7am naka abot sa summit nun, sakit sa ulo & nausea ang sumapak samin sa taas. 1st climb ko sa pinas...sa Banahaw naman ...DAYCLIMB naming ang tatlong-tanke route.
|
|
|
Post by styxmaster69 on Jan 27, 2005 17:01:03 GMT 8
i've been in mt maculot a couple of times na din since 1994...... may naging gf pa ako dun anak ng former brgy capt. kakatuwa 1st climb ko dun naka adidas stan smith sapatos ko super dulas para akong naka roller blades.... pero sarap pa din bumalik dun yun nga lang dami na tindahan.... nway organize tayo bike climb, mt sto tomas sa baguio, o kaya mt pinatubo, pwede naman isakay yung bike sa victory liner... maluwag yung ilalim ng bus, may konting fee lang naman..... sa mt natib sa bataan pwede din kahit hanggang camp 1 lang malapit sa last water source... yun nga lang dami limatik dun..... tara guys n gals organize tayo.... usap na lang pagdating sa mga equipment para well distributed ang load sa lahat ng riders.... ginagawa namin 'to kasama ko si polpan, 3 lang kami lagi kaya isang tent na lang dala namin.... planuhin na lang natin pag large group..... kaya naman natin 'to e may experience naman na tayo in backpacking and it is easy for us augmenting it sa biking...... basta pack light and pack right yun lang.....
|
|