|
Post by tigabundok on May 14, 2020 7:45:16 GMT 8
I have a foxter lincoln 2020 model with a 2x stock crank setup. May question is ano ba mga papalitan kung mag uupgrade ako sa 2x10 setup using deore rd?
is it rd,shifter,cogs and chain lang? magkano aabutin? oks lang ba gumamit ako ng mga murang cogs para makamura?
magkano kaya aabutin nito? Maraming salamat.
|
|
|
Post by anthrax76 on May 16, 2020 23:35:41 GMT 8
teka, ano yung drivetrain setup mo? 2 chainrings and ano yung rear?
anyway heto yung scenarios
1) kung naka 2x10, why even change? laspagin mo muna, unless maibebenta mo agad or may sasalo. kasi kung wala, maiipunan ka ng pyesa na dehins magagamit.
2) dehins ako masyadong updated eh, pero baka magpapalit ka ng hub para ma accommodate yung cassettes.
3) yes pwede ka gumamit ng any brand of cogs basta same speed.
price, 'di ko kabisado hehe.
|
|
|
Post by tigabundok on May 17, 2020 9:59:24 GMT 8
Currently naka 2x8 setup po ako now with tourney RD stock sa foxter.gusto ko po sana mag 2x10. compatible kaya yung hubs ko or need ko din palitan yun?
|
|
|
Post by anthrax76 on May 17, 2020 15:05:01 GMT 8
Awww. halos papalitan mo lahat. 'di kasya ang 10 speed cassette sa 8 speed hub. I would recommend buying the whole drivetrain. 'di mo pwedeng reuse ang crankset mo, kasi mas makitid ang chain ng 10 speed. Either lumuwag yung chain, or kakainin ng mabilis nung chain yung ngipin ng chainrings mo.
So...in short, heto papalitan mo. Hubs, cassettes, RD, chainring/crankset, chain.
|
|
|
Post by tigabundok on May 18, 2020 0:19:02 GMT 8
ohh i see.. pero yung fd kong altus magagamit ko parin naman diba? ano po kaya pinaka sulit na crankset na marerecomend nyo? yung mura pero di naman olats sa performance
|
|
|
Post by anthrax76 on May 18, 2020 8:19:41 GMT 8
hmm..dehins rin, kasi mas makitid yung chain ng 10 speed. delayed ang shifting niyan or worse, dehins mag shift talaga. so palit FD rin.
kung ako sa 'yo, ipon ka na lang ng buong drivetrain, baka mas makamura. Deore na yata ang pinaka murang 2x10 ngayon eh.
|
|
|
Post by tigabundok on May 18, 2020 10:10:50 GMT 8
ohh ok po,maraming salamat.
|
|
|
Post by anthrax76 on May 18, 2020 11:09:46 GMT 8
curious lang, bakit pala gusto mo mag-upgrade? kulang ba ang climbing gears? worn out na ba yung components?
|
|
|
Post by tigabundok on May 19, 2020 11:17:23 GMT 8
di pa naman sir. gusto ko lang. hehe. masarap daw pag naka deore groupset eh.hehehe
btw sir any idea how much deore mt6000 without brake set? oks naman po kasi ako sa m200 na non series hydro ko eh.
|
|
|
Post by anthrax76 on May 19, 2020 17:32:22 GMT 8
ay wala akong idea sa presyo, hehe.
here's the thing about upgrades. kung gusto mo lang talaga, jump 2 groupsets higher. kunwari naka acera ka, huwag ka mag upgrade to alivio, mas ramdam mo kung deore or higher. kung naka alivio ka, slx or higher.
at kung weekend rider ka, kahit mag xtr pa, 'di mo mararamdaman. mas magaang oo, pero yung actual performance benefit, di mo ramdam sa drivetrain, lalo kung nasa tono lagi ang shifting mo. yung brakes, mararamdaman mo difference ng modulated and 4 piston vs. non-series na hydro. pero sa drivetrain, di mo basta mararamdaman yan unless kumakarera.
|
|
|
Post by tigabundok on May 19, 2020 23:09:33 GMT 8
currently im on stock bike setup. 2x8 na tourney RD and altus FD. yung crank ko prowheel na 2x, do u recommend sir na laspagin ko muna tong mga pyesa ko before upgrading sa deore groupset? naiiisip ko din sayang yung mga pyesa ko eh.hahah
|
|
|
Post by anthrax76 on May 20, 2020 6:39:24 GMT 8
that's the idea actually. kung ano meron ka, laspagin mo muna. hard reality, kahit ibenta mo ng 500 pesos yung papalitan mong pyesa, may bibili ba? binayaran mo yun eh, sulitin mo na. ang turo nga sa amin dati eh ganito: bumili ka ng bike, naghanap ka ng mura. tapos pagkabili mo eh gusto mo i-upgrade. eh 'di sana sinagad mo na yung budget mo para bumili ka nung mas maganda na pyesa para 'di ka na mag upgrade agad agad.
at dahil dyan, nilalaspag ko muna yung pyesa nung bike ko. at dehins ako talagang nag upgrade dahil gusto ko ng upgrade. nag replace ako ng worn out parts na nasa mas mataas na series.
|
|
|
Post by tigabundok on May 20, 2020 10:05:34 GMT 8
ahh ok po.salamat po sa tips sir.
|
|
|
Post by sk8er_saix on May 22, 2020 9:35:44 GMT 8
di pa naman sir. gusto ko lang. hehe. masarap daw pag naka deore groupset eh.hehehe btw sir any idea how much deore mt6000 without brake set? oks naman po kasi ako sa m200 na non series hydro ko eh. 14k on average ang groupset na yan. It can go up or down depende sa bike shop at sa mga components na isasama/tatangalin mo.
|
|
|
Post by xmayor on Jun 23, 2020 23:05:11 GMT 8
tigabundok - kung ok pa naman bike mo, wag pyesa bilhin mo. instead, alkansya bilhin mo at everytime katihin ka ng upgraditis, ihulog mo sa alkansya yung extra pera mo. by the time malaspag mo yung current bike mo, may funds ka na para sa mas magandang bike at mas malakas na tuhod mo. 😊
|
|
|
Post by albatross99 on Sept 3, 2023 13:34:53 GMT 8
Kamusta nakakapag bike ka paba? Nalaspag mo naba ang pyesa mo na 2x8? Hehehe
|
|