|
Help po!
Jul 28, 2019 17:45:46 GMT 8
via mobile
Post by syvc on Jul 28, 2019 17:45:46 GMT 8
Ano po kaya problem sa bike ko. Yung rear wheel ng mtb ko nag wi-wiggle normal ba ito? Lumalagatok din at mahirap controlin yung tipong kala mo flat gulong mo pero dehins nmn. Ang suspection ko is yung bearing pero dehins nmn ako sure.
May problem din ako sa shifter ng kadena ko sa rear lumalabas na sa spraket at dehins ko na magamit ang 7-8 dahil lalabas na sa spraket yung kadena. Sumasabit sya at dehins sumusunod sa tamang destined na number. Nag try nako mag adjust ng mag adjust walang nangyayari.
|
|
|
Help po!
Jul 28, 2019 20:12:34 GMT 8
via mobile
Post by syvc on Jul 28, 2019 20:12:34 GMT 8
First time ko lng po naka encounter ng ganitong bearing, mga bulitas nagtanggalan, fixed? Paano pp ito alin papalitan dito?
|
|
|
Post by anthrax76 on Jul 28, 2019 20:19:57 GMT 8
isa isahin natin ha, no idea ako sa hubs or wheelset na meron ka. 1) wiggle, tono ang kailangan nyan, although ang tingnan mo is yung rim. kasi minsan nakatono ang rim, pero tires ang sumasayaw. 2) yung dehins pagpasok sa cogs, tono rin ang kailangan niyan. kung bagong bike ang binili mo, after a while, magkakaroon ng cable stretch. kailangan adjust ulit yan, there are 2 places to adjust, pwedeng sa L and H ng RD or yung barrel adjuster sa shifter. kung 'di ka sanay mag adjust, dalhin mo sa bike shop, tapos panoorin mo kung papano magtono. kasi pwedeng totally magulo ang shifting mo. 3) sabi mo nalaglag ang bearings (bulitas). baka lumuwag yung cup and cone ng hub mo. kung naayos, oo naman. baka kailangan lang ng lock nung cone or lumuwag. pero kung gusto mo ng peace of mind, palit hubs para siguradong dehins na luluwag. or kung may budget ka, sealed bearing hubs. kung may picture ka nung nangyari, mas maganda
|
|
|
Post by konablack on Jul 29, 2019 17:08:21 GMT 8
looks like there's a problem on your rear hub. replace it with a seal bearing
|
|
|
Help po!
Jul 29, 2019 18:44:53 GMT 8
via mobile
Post by syvc on Jul 29, 2019 18:44:53 GMT 8
Problem solved for now. Dami basag na bulitas pinalitan bulitas pati yung cup kasi bumakat na yung bulitas sa cap (damaged) sabi ng nag-ayos 155 lng nagastos ko. Palitan ko daw bearing pra mas durable kaso dehins kasya yung available, ang sabi 490? kasi dehins ata available sa kanila.
|
|
|
Post by anthrax76 on Jul 30, 2019 0:07:39 GMT 8
kung nasa manila ka, maraming bearing sa recto.
|
|
verblkint
Free Rider
You must defeat Sheng Long to stand a chance.
Posts: 291
|
Post by verblkint on Aug 2, 2019 13:33:46 GMT 8
Problem solved for now. Dami basag na bulitas pinalitan bulitas pati yung cup kasi bumakat na yung bulitas sa cap (damaged) sabi ng nag-ayos 155 lng nagastos ko. Palitan ko daw bearing pra mas durable kaso dehins kasya yung available, ang sabi 490? kasi dehins ata available sa kanila. Malakas ang kutob ko na naka Shimano hubs ka. Iilan na lang ang gumagamit ng cup and cone style na hubs at isa na dito ang Shimano. Kahit yung high-end nila na XTR cup and cone pa rin ang design.
Yung sinabi ni Anthrax good advice yon, maraming bearing shop sa Recto. Yung paborito ko diyan yung American Bearing malapit sa Arranque. Yung may-ari niyan mtb rider din, mamahalin pa yung bike.
After mo mapalitan yung bearing, siguraduhin lang na lagyan ng magandang grasa yung hubs mo every 6 months, o kaya pag nalublob yung hub sa tubig o putik. Maganda performance ng cup and cone pero kailangan lang talaga masipag ka sa maintenance. Dahil sa maulan at maputik ang Pilipinas, mas convenient ang mag sealed bearing ka na kasi less maintenance ang kailangan.
|
|