|
Heartbeat
May 8, 2018 18:18:59 GMT 8
via mobile
Post by dio27 on May 8, 2018 18:18:59 GMT 8
Hi po ask ko lg if normal sa inyo if kakapahinga nyo lg sa ahon tapos magpapahinga nararamdaman ko yung pagbilis ng tibok ng heart ko after nun medyo nahihilo ako at dumidilim sandali yung paningin ko parang gusto kong mawalan ng malay. Any tip para maiwasasn ito?
|
|
|
Post by icemann77 on May 8, 2018 18:31:00 GMT 8
mukhang kulang na yung oxygen sa katawan mo sir. try mo din na hatiin ang ahon part wag mo muna itry diretso. mag gain ka muna ng stamina pag nasanay na katawan mo sa ahon dehins ka na kakapusin.
|
|
|
Heartbeat
May 8, 2018 18:45:02 GMT 8
via mobile
Post by dio27 on May 8, 2018 18:45:02 GMT 8
mukhang kulang na yung oxygen sa katawan mo sir. try mo din na hatiin ang ahon part wag mo muna itry diretso. mag gain ka muna ng stamina pag nasanay na katawan mo sa ahon dehins ka na kakapusin. Siguro sir, ngaun na lg din ako nag mtb. May iba pa ba kayong tips? Before mag mtb may dapat bang gawin? Solo rider lg kc ako dito sa lugar namin
|
|
|
Post by anarki on May 8, 2018 19:58:25 GMT 8
Long sitting position or tayo lang pag nagpapahinga. Try not to sit down din kasi maiipit yung circulation ng blood sa katawan. Always make sure you're hydrated and bring sweets (candy or chocolate) para di kulangin sa glucose yung dugo.
|
|
|
Post by icemann77 on May 9, 2018 5:44:54 GMT 8
Mag bike ka lang sir araw2x kung pwede. at maganda kung maka hanap ka ng ka ride para masaya sa pag padyak. :-)
|
|
|
Post by spyghost on May 9, 2018 6:43:09 GMT 8
Hi po ask ko lg if normal sa inyo if kakapahinga nyo lg sa ahon tapos magpapahinga nararamdaman ko yung pagbilis ng tibok ng heart ko after nun medyo nahihilo ako at dumidilim sandali yung paningin ko parang gusto kong mawalan ng malay. Any tip para maiwasasn ito? baguhan ka sir? kung tama intindi ko... pahinga tapos larga ulit? it's normal lalo na kung baguhan palang. kung baga nanlamig na yung katawan (not good). it doesn't mean na kapag sanay na e dehins ito mararamdam. try mo wag mag stop. instead i-pace ang sarili sa simula palang ng ahon. mas mahirap magsimula ulit kesa dahandahanin. in terms of time mas maraming mawawalang oras sa pahinga na nakatigil kumpara sa mabagal na umuusad. more often mental issue ang climbs rather than physical. common mistake in climbs is bomba agad simula palang kaya pag dating sa taas or bago pa pumasok ng trails e ubos na (common sighting in TH wall). kung target is trails, kapag pagod na e mas malaki ang chance ng aksidente sa loob kasi fatigued na ang muscles at nanlalaban na ang utak sa kung ano uunahin (overload), which is the natural reaction. hence the need to train. walang ibang paraan kundi masanay. ride lang ng ride. kung competitive or aim maging competitive, samahan ng gym at tamang kain at pahinga. yes, pahinga (often overlooked). part ng improvement cycle ang pahinga. in reality, dito nanggagaling ang improvements post training. diminishing returns ang overtraining.
|
|
|
Post by konablack on May 9, 2018 7:21:31 GMT 8
before the ride, be sure to get plenty of sleep. wag magpuyat. also, be sure to know your limits. build stamina and gain miles before tackling long climbs. be sure to ride with a buddy or a group, too
|
|
|
Post by spyghost on May 9, 2018 8:24:19 GMT 8
before the ride, be sure to get plenty of sleep. wag magpuyat. also, be sure to know your limits. build stamina and gain miles before tackling long climbs. be sure to ride with a buddy or a group, too to add to the sleep... eat well before the ride and on long rides, eat and drink small quantities at every targeted time/distance covered. though kasama lagi sa experience ang "hit the wall" or "bonk" dehins sya masarap na pakiramdam - walang sinabi ang mind over matter dito kasi talagang katawan na ang aayaw. i've experienced this 1.5 times (LOL) .5 kasi muntik nanaman
|
|
verblkint
Free Rider
You must defeat Sheng Long to stand a chance.
Posts: 291
|
Post by verblkint on May 9, 2018 17:33:23 GMT 8
Mga tips para bawas pagod:
1. Siguraduhing smooth ang takbo ng bike, mas nakakapagod magpedal kung may sira ang kadena, hubs, wheelset, derailleur, etc. Bawasan din ang mga rikotitos sa bike na di naman kailangan (hal. kung morning ride, wag na mag-ilaw). Bawasan din ang mga daladala na di naman kailangan.
2. Gabi o umaga bago mag ride walang kulay dapat ang ihi mo, ibig sabihin, wala kang pagkukulang sa hydration/tubig.
3. Wag mag ride ng gutom o sobrang busog.
4. Tanggalin ang takip sa ilong at bibig. Wag ka gumaya sa mga nakararaming rider diyan na dahan dahang sinasakal mga baga.
5. Maghanap ng sarili mong rhythm sa paghinga, na dapat naisasabay mo sa pag pedal (mag-research at practice kung ano bagay sayo).
Maganda para sa newbs ang isang inhale, tas pedal, tapos isang exhale, isang pedal. (This is actually poor technique but it helps you get started on watching your cadence.)
6. Pagkatapos ng ahon, wag kaagad umupo (wag na wag din humiga). Mag spin muna ng konti sa light na gearing para bumaba ng konti heartbeat, o kaya maglakad lakad bago umupo (cool down).
7. Para bumaba ang heart rate, humigop ng malalim gamit ang bibig at dahan dahan ang pag exhale gamit ang ilong. Ulitin hanggang mapakalma ang sarili.
|
|
|
Post by dio27 on May 9, 2018 20:52:59 GMT 8
Wow Salamat sa mga nagbigay ng payo. Update: nalampasan ko yung ahon kung saan ndi ko nagawa nung isang araw. Napagod pero kinaya, buti na lg dehins nag iba yung pakiramdam tulad noon. Salamat po sa inyong mga tulong🙂🙂
|
|
|
Post by konablack on May 10, 2018 7:41:49 GMT 8
Wow Salamat sa mga nagbigay ng payo. Update: nalampasan ko yung ahon kung saan ndi ko nagawa nung isang araw. Napagod pero kinaya, buti na lg dehins nag iba yung pakiramdam tulad noon. Salamat po sa inyong mga tulong🙂🙂 ulit ulitin mo lang sir, hanggang sa balewala na lang yung pang ahon mo doon sa place na yun syempre, kailangan din magrecover every ride
|
|
|
Post by sk8er_saix on May 11, 2018 7:42:18 GMT 8
Wow Salamat sa mga nagbigay ng payo. Update: nalampasan ko yung ahon kung saan ndi ko nagawa nung isang araw. Napagod pero kinaya, buti na lg dehins nag iba yung pakiramdam tulad noon. Salamat po sa inyong mga tulong🙂🙂 Nice. Congratulations! Practice lang nang practice, sir. Ako din noon, ganyan. Bumili ako ng bike last November para magbawas ng timbang. Maraming nagadvice sa akin dito na masmaganda makapayat ang mga paahon kesa flats, kaya sumubok ako. Pagdating ko sa tuktok, halos sasabog na puso ko at hingal na hingal ako. Dapat laging tama ang paghinga. Kahit pagod na pagod ka, iregulate mo lang yung breathing mo (wag panic breathing), at mas tatagal ka. Hanapin mo yung sweet spot mo sa pagpedal. Not too fast, not too heavy. Lastly, mind over matter.
|
|