|
Post by donbuilder on Feb 26, 2018 22:47:31 GMT 8
Hello po mga sir, hihingi lang po sana ng advice sa mga nagbbike to work dyan. Kung ano yung pwede or dapat gawin and dalhin for every ride 1st time to try po kasi para makatipid ng pamasahe, may nabili po kasi ako na bike worth 1500 fort po yung tatak sa kapitbahay po namin (okay naman po ba yung brand na yun sa price niya?) work schedule po is 8-5 and yung distance po is intramuros to malanday valenzuela, kailangan ko po ba ng ilaw? Ano po ba magandang brand na budget friendly? Pati din po helmet ano po ba maganda? Okay na po ba yung binebenta sa quiapo na tig 300? Salamat po sa magiging tulong.
|
|
|
Post by anthrax76 on Feb 26, 2018 23:11:09 GMT 8
Sa bike commuting section nitong marami ka nang tips na makukuha, pero sige himayin natin ang mga katanungan mo. Q: may nabili po kasi ako na bike worth 1500 fort po yung tatak sa kapitbahay po namin (okay naman po ba yung brand na yun sa price niya?) A: Nabili mo na, no point in asking kung okey. kilalanin mo yung bike, sana tama ang size at fit para sa 'yo. ipa-check mo sa mechanic kung condition ng bike. make sure lubricated lahat ng dapat lubricated. brakes will stop the wheels (not you). nakatono ang shifters and derailleurs. Q: work schedule po is 8-5 and yung distance po is intramuros to malanday valenzuela, kailangan ko po ba ng ilaw? A: Depende kung gano katagal ang byahe at kung gano kaliwanag ang dadaanan. Pero from experience, mas magandang at least meron kang rear blinker. kung may headlight ka or front blinker mas maganda. Reflective clothing/strips para sa gabi, the best. Q: Ano po ba magandang brand na budget friendly? A: No idea here, actually sumusugal lang ako pagdating sa ilaw. pero may mga available na mura na rechargeable pa. Q: Pati din po helmet ano po ba maganda? Okay na po ba yung binebenta sa quiapo na tig 300? A: 300 na helmet? ang analogy na ginagamit ko eh ganito, isang owner type jeep (300 pesos na helmet) at isang luxury car na may crumple zones (medyo mahal na helmet na dumaan sa R&D, maayos na vents) parehong bilis eh nagbanggaan, kaninong driver ang mas konti ang injury? ang helmet, designed na isang impact lang tapon na. kasi pinoprotektahan nito sa shock yung ulo at utak. matibay nga helmet, matigas, pero on impact concussion ang aabutin mo, sayang lang. Gastusan mo na ng branded ang helmet mo, kahit na MOB. payong bike commuter, huwag kang mag bike commute on day 1. aralin mo muna yung route ng weekend o walang pasok. maghanda ka ng at least 3 routes na pwede mong gamitin. kapag maaraw, maulan, baha, madilim, kailangan may mga route ka dehins ka maalangan. the best kung konti ang sasakyan sa mga dadaanan mo
|
|
|
Post by sk8er_saix on Feb 27, 2018 7:25:05 GMT 8
Kailangan ko po ba ng ilaw? * Masmaganda po kung meron. * Masmaganda din kung may reflectors ka.
Ano po ba magandang brand na budget friendly? * Kung tight ang budget, go for Machfally or Cateye. Kung malaki ang budget, go for Lezyne. * Dapat may multifunction tulad ng steady or blinker. * Go for a light that's USB rechargeable. You can charge when you're at work.
Ano po ba magandang brand na budget friendly? * I went with Spyder. Nagmomotor ako, at yang helmet na yan ay budget friendly helmet sa motorcycle community. Nagkataon naman na gumagawa din sila ng bike helmets, kaya yan na ang kinuha ko. Mapagkakatiwalaang brand yan. Kung may 2k ka, meron ka nang Spyder helmet.
Okay na po ba yung binebenta sa quiapo na tig 300? * You get what you pay for. Don't go cheap pagdating sa protective gears.
Additional. Invest on the following: * Multi-tool * Extra inner tube * Patch kit * Portable air pump (Yung may kasamang mount kunin mo) * Tire lever for bikes (Panikwat ng gulong) * Small saddle bag to put all these in
HTH!
|
|
|
Post by konablack on Feb 27, 2018 18:31:07 GMT 8
My tip, study the route well. Pag aralan mo mabuti yung route. Walang problema kung ang gagamitin mong route ay yung ginagamit mo kapag nag kocommute ka gamit ang PUJs. Isa din importanteng matutunan kapag bike commute ay ang pag gamit ng gears. Ito ay mahalaga kapag ikaw ay nasa stoplight, gamitin mo ito upang ikaw ay makausad ng madalian kasi ikaw ay bubusinahan ng mga tsikot at motor ibayong pag iingat din kapag ikaw ay dadaan sa isang intersection. Yan pa lamang ang naiisip ko. Madami pang iba ang dapat alalahanin. Always wear a good and quality helmet!
|
|
|
Post by plankton_dash on Feb 28, 2018 7:52:21 GMT 8
Q: may nabili po kasi ako na bike worth 1500 fort po yung tatak sa kapitbahay po namin (okay naman po ba yung brand na yun sa price niya?) Kung less than 3x / week ka magba-bike to work + dehins ka magba-bike kung umuulan, pwede na siguro. Q: work schedule po is 8-5 and yung distance po is intramuros to malanday valenzuela, kailangan ko po ba ng ilaw? Yes. At kung kaya ng budget mo, dapat laging meron backup ang lahat ng ilaw mo. Personally, I have 2 front lights (white) + 2 rear lights (red) + 1 backup light na nasa backpack ko. Q: Ano po ba magandang brand na budget friendly? Maraming nagbebenta online at meron din sa mga mall / hardware store. OK rechargeable na Raypal or Machfally (around 400 to 500) pero iba pa rin ang quality ng CATEYE (medyo mahal nga lang @ 1,300++). Q: Pati din po helmet ano po ba maganda? Okay na po ba yung binebenta sa quiapo na tig 300? Unless gagawin mong "props" sa school or office play, I don't ever want to recommend a helmet na ganyan ma-cheap. May dahilan kung bakit mura yan. Wag na wag magtipid sa helmet dahil buhay mo yan. Budget-friendy yung MOB at meron din low-end na La Bici, Serfas, Spyder (pero di ko ma-recommend itong brand na ito, sa totoo lang). Be prepared to pay 1,300 and up -- at inuulit ko -- wag magtipid dito. -- from a bike commuter since 2009
|
|
|
Post by anthrax76 on Mar 1, 2018 1:00:40 GMT 8
si plankton_dash, bingo bike commuter yan which means 5 days a week
|
|