|
Post by donbuilder on Jan 18, 2018 0:05:30 GMT 8
Good day po new member lang ako dito sa forum and gusto ko po sana ng mga insights niyo. Plano ko po kasi mag start ng biking, pero ang problema is medyo kapos sa funds due to financial reasons. Ang budget ko lang po is 2-3k for a mountain bike. Nagtingin po ako sa quiapo and unfortunately wala pong pasok sa budget ko. So nagtry ako sa buy and sell sa fb. Meron naman kaso pano ko po malalaman kung okay or matibay yung mabibili ko ano po ba yung mga dapat kong tignan or busisain? Plano ko din po kasi gamitin yung bike papasok ng trabaho pag nagkawork na ako. Salamat po sa mga tututlong.
|
|
|
Post by anthrax76 on Jan 18, 2018 0:21:00 GMT 8
okay....the fastest way matuto eh tumambay sa bike shop, he he. o sige, i'll be brutally honest. with your budget, entry level ang mabibili mo, china bike at best. kung mtb, medyo hirap maghanap sa ganyang presyo kahit na second hand tapos maayos pa. mga 7K maganda ganda na ang mabibili mo, or rather...mas konti ang papalitan mo in the long run. kung pano mo malalaman, research lang talaga eh. pwede mo basahin yung mga nasa website ng manufacturers pero baka maglaway ka. pero kung gusto mo malaman ang heirarchy ng mga components, pwede ka magpunta sa website ng shimano and sram. sa components, marami rin yun nga lang dapat kilala mo yung brands. pero sa merkado, marami nagbebenta ng peke. and the end of it all, ganito, merong online bike fitting, sticky thread siya dito sa newbie's section. kuhanin mo sukat mo at nung bike para sa 'yo. maglibot libot ka sa mga shop gamit yung recommended na sukat sa 'yo tapos magsukat ka ng bikes. yung tama ang fit sa 'yo, kuhanin mo yung listahan ng components. tapos pwede ka namin tulungan sa comparison
|
|
|
Post by donbuilder on Jan 18, 2018 8:12:31 GMT 8
Ay ganun po ba, salamat po. Pa follow up question lang po may nakita po kasi ako sa net kanina na 2nd hand “next” daw po tatak binebenta ng 2k kaso ang issue daw po is walang preno and shifters daw po okay po kaya na bilhin yun? Magastos po ba magpalit ng ganung piyesa? Kinuha ko n apo kasi mga numbers ng bike shop sa quiapo magtatawag din mamaya para makapagcanvass po ng pyesa. Or if ever po mas mura ba kung magbubuo nalang ako ng bike? Meron po kasing lumang bike yung tatay ko medyo natambak na rin ng matagal tagal Tinanong ko po bakal daw yung frame at specialized yung tatak? Okay po kaya yun? Salamat po ulit sir.
|
|
|
Post by anarki on Jan 18, 2018 8:36:10 GMT 8
Marami akong nakikitang mga naka-next dito sa amin. Sa price nya possible na steel frame pa yan. Gagastos ka rin sa preno and shifters kasi dehins pwedeng wala nun, especially brakes. Lastly, baka dehins sukat sayo yung bike.
|
|
|
Post by gaijin on Jan 18, 2018 8:58:47 GMT 8
try mo po yung mga surplus japan bikes.
|
|
|
Post by anthrax76 on Jan 18, 2018 9:40:12 GMT 8
Shifters mga 800 pataas siguro. Brakes....wala akong idea sa presyo ng mech pero ang hydro nasa 2300 pataas.
Mas mura bumili ng built bike vs. Assembled. Not to mention kapag nagkamali ka nh biLi, incompatible ang components mo.
|
|
verblkint
Free Rider
You must defeat Sheng Long to stand a chance.
Posts: 291
|
Post by verblkint on Jan 18, 2018 10:31:12 GMT 8
|
|
|
Post by sk8er_saix on Jan 18, 2018 16:23:44 GMT 8
Good day po new member lang ako dito sa forum and gusto ko po sana ng mga insights niyo. Plano ko po kasi mag start ng biking, pero ang problema is medyo kapos sa funds due to financial reasons. Ang budget ko lang po is 2-3k for a mountain bike. Nagtingin po ako sa quiapo and unfortunately wala pong pasok sa budget ko. So nagtry ako sa buy and sell sa fb. Meron naman kaso pano ko po malalaman kung okay or matibay yung mabibili ko ano po ba yung mga dapat kong tignan or busisain? Plano ko din po kasi gamitin yung bike papasok ng trabaho pag nagkawork na ako. Salamat po sa mga tututlong. I suggest na ipon muna brad. Ako, 1 year ang pagitan sa nagbalak kumuha ng bike sa talagang nakabili ng bike. Maraming entry level bikes ngayon na affordable. Mostly Trinx and Foxter. 6-7k, may Trinx ka nang 26 with decent components. Pwedeng-pwede na ito on pavement at slightly rough terrain. Tingin-tingin ka din, at kunin mo yung tamang sukat sa iyo, yung specs na gusto mo, etc. As for 2nd hand bikes, meron namang mga videos sa YouTube para magturo sa iyo kung paano tumingin ng 2nd hand na bike. 'Wag magmadali. Ipon lang. Malay mo, masmaganda pa ang makuha mong bike. HTH.
|
|
|
Post by konablack on Jan 18, 2018 16:59:28 GMT 8
Surplus bike or mall bike ang makukuha mo sa budget mo which is medyo magpapalik ka lang ng mga pyesa sa katagalan. If ever may makita kang surplus bike na pasok sa budget mo, malamang ay medyo dehins tama ang bike fit nito sa katawan mo. Katulad ng sinabi ng iba, konting ipon at pasensya pa. what you can do now is research, probably at OLX. nakakainggit tumingin ng bikes na for sale pero tiis tiis ka lang.
|
|
|
Post by anarki on Jan 18, 2018 17:13:08 GMT 8
nakakainggit tumingin ng bikes na for sale pero tiis tiis ka lang. I know this feeling. Kulang pa budget ko for the new bike e.
|
|
|
Post by simplej0ys on Jan 19, 2018 4:56:44 GMT 8
magtiis muna 'tol. sakit ng ulo ang mabibili mo dyan sa budget mo. pag doble na pera mo, puwede na. ang magagawa mo muna sa ngayon ay magbasa-basa at magbasa ulit! gain the basic knowledge first on the current bike terms and trends and tech and maintenance. para kapag handa ka na bummili, you are 'armed' with great knowledge para dehins maloko o dehins mapabili ng 'lemon'. tiis tiis muna pare, it will be worth it. PROMISE!
|
|
|
Post by hideki on Jan 22, 2018 20:28:47 GMT 8
Yung NEXT na bike na ganyan, 2k naman talaga brand new price nyan.
|
|