|
Post by joshuapogi01 on Jun 30, 2016 19:32:02 GMT 8
Hello po sa lahat
First pasensya na po dahil nag post ako agad ng thread ngunit ako'y bagong sali pa lamang sa group na ito. Humihingi lang po ako ng payo mula sa mga eksperto sa mountainbikes. Ito po ay ang aking pangalawang bike simula ng bata pa ako. Binilhan po ako ng bike ng aking magulang ng Trinx M136, ako'y nangangamba dahil parating mukhang flat ang aking gulong, dahil ako ay 100kg. Pinaplano ko na bumili ng bagong tire, rim, and hubs. Tire: Maxxis High Roller 26x2.35, Fire Eye Rim Excelerant size 26, Hubs: Koozer 2016 kasama ang spokes and nipples. Ang stock na cogs ay 7speed lamang. Ang compatible cogs sa Koozer ay 8,9,10,11 lamang.
Question: Pwede pa din ba gamitin ang 7 speed na shifter sa 8 speed na cogs? dehins na ba mukhang flat ang aking gulong sa 26x2.35 tire? Tulungan niyo akong mahanap ng 26x2.35 na inner tube or kahit anong compatible na inner tube sa 26x2.35 na tire.
(Ako ay humihingi ng paumanhin sa aking pananalita sapagka't ako ay isang guro sa Filipino xD)
|
|
|
Post by konablack on Jul 1, 2016 10:03:51 GMT 8
yung sa tanong mo sa pagiging compatible ng 7-speed shifter sa 8-speed na cogs, yes, gagana sya. pero may konting problema sa shifting. kailangan i-tune ang alignment ng deraileur sa cogs, and sa pag shift ng shifter. may times na papalya ang pagshift. kaya mas mabuti na siguro na bumili ka ng compatible na shifter-deraileurs, and cogs. sa gulong naman na size 26 x 2.35. dehins sya mukhang flat hehe sa katunayan, medyo magmumukhang malaki sya sa inner tube naman, may makikita ka na mga 2.3 pababa, pwede na iyon sa gulong mo
|
|
|
Post by anthrax76 on Jul 1, 2016 11:25:39 GMT 8
Q: Pwede pa din ba gamitin ang 7 speed na shifter sa 8 speed na cogs? A: Pwede pero gaya ng sabi ni konablack, kailangan ng tuning. kung ako sa 'yo unahin mo nang upgrade yan kesa gulong. keep your drivetrain in the same speed, huwag ka mag mix and match if you're not familiar with tuning. baka kung kailan nag-eenjoy ka at pumalya, hidi mo maayos on the fly.
Q: dehins na ba mukhang flat ang aking gulong sa 26x2.35 tire? A: Mabigat padyakin ang 2.35. kung kulang ang air pressure, magmumukhang flat. ano size ng tires mo ngayon at ilang psi ang nilalagay mo? kung gusto mo kuha ka ng high durometer tires, not necessarily wider though. mas matigas na tire compound para dehins magmukhang collapsed kapag nakasakay ka.
Q: Tulungan niyo akong mahanap ng 26x2.35 na inner tube or kahit anong compatible na inner tube sa 26x2.35 na tire. A: Kahit 2.1 na inner tube pwede, kahit nga 1.95 eh. ninipis lang ng konti yung inner tube due to the stretch but it will hold. nakagamit na ako ng 1.5 inner tube sa 2.10 tire, okey lang, happy naman siya.
|
|
|
Post by joshuapogi01 on Jul 1, 2016 19:43:24 GMT 8
Nakabili na po ako ng groupset, alivio, nung sinabi mo sir anthrax na need yung groupset muna bumili ako agad, okay na po ba lahat if gamitin ko, nabili ko na po lahat, yung tires, rims, hubs, inner tube, at groupset. Bukas ipapalagay ko na lang po, maraming salamat po sa inyong tulong.
#Newbie
Edit:
Okay lang po ba ang alivio groupset? 9 speed na po sya.
|
|
|
Post by joshuapogi01 on Jul 1, 2016 20:47:37 GMT 8
Pa add na lang po sa Question, pwede po ba ang ice tech 160mm rotors gamit ang alivio brakes?
|
|
|
Post by anthrax76 on Jul 2, 2016 18:20:11 GMT 8
wala namang paki yung rotors sa calipers. pwedeng pwede mo gamitin, although mas optimal kung yung pads na may fins yung gamitin mo for better heat dissipation.
|
|
|
Post by Papzki_23 on Jul 26, 2016 22:42:14 GMT 8
Nakabili na po ako ng groupset, alivio, nung sinabi mo sir anthrax na need yung groupset muna bumili ako agad, okay na po ba lahat if gamitin ko, nabili ko na po lahat, yung tires, rims, hubs, inner tube, at groupset. Bukas ipapalagay ko na lang po, maraming salamat po sa inyong tulong. #Newbie Edit: Okay lang po ba ang alivio groupset? 9 speed na po sya. maganda na yang alivio. tatagal na yan.
|
|