|
Post by justinehield7 on Feb 19, 2017 13:09:36 GMT 8
Hello po. I am planning to buy a mountain bike po. Kaso wala po akong kaalam alam sa mga bikes(brands, kahit yung specs, I do not know how that works) since first time ko lang po bibili ng bike. Any knowledge naman po and suggestions in what I need to know before buying one. Thanks po sa sasagot and pasensya nadin po gusto ko lang kasi magkaron din ng kaalaman para di magsisi sa pagbili. Hehe. Thanks po ulet.
|
|
|
Post by anthrax76 on Feb 19, 2017 15:14:44 GMT 8
heto mga pwede mong gawin.
1) Bike fitting, merong sticky thread dito sa Newbie's section. 2) Set ka ng budget. Pwede mong isama sa budget ang protective gear pwedeng hiwalay. 3) Pasyalan mo yung mga shop sa inyo na merong sukat mo na bike (based sa #1) and take note kung magkano.
Based sa mga makikita mong bike, compare mo yung frame, drivetrain, cockpit at wheelset. Kung 'di ka pa maalam sa groupsets pwede mo tingnan ang website ng shimano or sram.
Based sa #3, gawa ka ng mga listahan ng mga bike na sukat sa 'yo. tapos pwede ka namin tulungan sa pagpili.
|
|
|
Post by justinehield7 on Feb 19, 2017 22:34:36 GMT 8
Okay, sir noted. Another question po, malapit po kasi ako sa quiapo, authentic naman po ba yung mga bikes dun and their pairts? Sa cycle art po ata yun, legit naman po ha dun? Nabasa ko din po kasi dito na may fake parts po ng bike
|
|
|
Post by anthrax76 on Feb 19, 2017 22:39:48 GMT 8
maraming fake na frame at components. pwede ka tumingin ng built bike tapos check mo sa web kung merong ganun, lalo yung big name brands like Specialized, GT, Giant, Cervelo, daming bootleg nyan.
|
|
|
Post by simplej0ys on Feb 20, 2017 5:24:51 GMT 8
'tol unahin mo muna yung sukat — bike fit — bago magtanong ng peke sa tunay. Pag may sukat ka na, tsaka ka mag window shopping. Tingin tingin ka ng mga bike na tugma ang sukat sa iyo. Ilista mo ang model at year (importante yan). Tapos i-google mo. Kumpara mo yung mga components dun sa mga nakita mo kung pareho. Tapos balik ka dito para magtanong ulit.
|
|
|
Post by dekszie on Feb 20, 2017 10:40:58 GMT 8
window shopping muna ng mga bikes sir para meron ka idea kung magkano ang wawaldasin mong salapi hehehe... compare prices from entry-level to high-end ones... try to google TOP brands for MTB to narrow down your search, but of course it's always subjective.
|
|
|
Post by anthrax76 on Feb 20, 2017 13:36:16 GMT 8
mahirap basta i-google ang big brands lalo kung nasa Pinas. meron ngang Specialized Hardrock na less than 15K, tapos kapag nag-check ka ng specs sa web, magkaiba at iisipin mo mas mura kasi entry level yung available dito, yun pala bootleg yung frame.
research helps, pero alamin din kung ano yung hinahanap.
|
|