|
Post by raigoki on Nov 17, 2016 12:52:11 GMT 8
Mga sirs, tatanong lang po ako...
Nagpunta kasi ako dati sa Masinag... from Valenzuela... nung pauwi na ako, eto yung problema ko kaya di ko na maulit-ulit. Nung nag katipunan ako, dumaan ako sa CP Garcia Ave... para tumbok ng University ave... (Ganun kasi pag nag ddrive ako...) ang siste, nung nag merge na yung University Ave sa Commonwealth. Kailangan ko mag U-Turn... dehinsng-dehins ko na gagawin kahit kailan ang mag U-turn sa Commonwealth galing UP... buwis buhay mga paps. (muntik na ako ma sideswipe ng UV express. nung nasa kabilang daan na ako papuntang Quezon City Circle.)
May alternative route ba para di ka na dadaan sa commonwealth ave? Para makapag Antipolo na ako ulit. (Solo rider lang kasi... )
Salamat mga paps!
|
|
|
Post by anthrax76 on Nov 17, 2016 13:47:56 GMT 8
aaaah, 2 ways. 1) pasok ka ng CP Garcia pero kumanan ka pagdating ng university ave. tapos labas ka ulit ng katipunan/tandang sora. huwag ka aakyat ng flyover going to luzon, dun ka sa kanan, paglampas ng flyover entry, sa parteng kaliwa ka ng kalye, may u-turn sa ibaba para makabalik ka ng tandang sora. tapos U-turn right ka ulit, tandang sora na yun. may stoplight ang tandang sora/commenwealth intersection, safe na safe para sa atin 2) huwag ka na pumasok ng c.p. garcia, diretso ka lang ng katipunan, tapos kapag nakita mo yung luzon flyover...sundan mo na lang from #1, he he he. ano ba yung route mo? pwede ka kasing mag side streets tulad sa aurora blvd, bony serrano, , etc.
|
|
|
Post by raigoki on Nov 27, 2016 21:13:35 GMT 8
ayun. salamat! dederecho na lang ako siguro ng katipunan. may nag suggest sa akin na maguinhawa daw ako dumaan. kaso labas ko elliptical road. hehe! pauwi lang ng bulacan route ko from antipolo. na trauma ako nung nag u-turn ako sa commonwealth e.
|
|